-- Advertisements --
Keifer Ravena
Kiefer Ravena/ IG post

Hindi na nasorpresa si Gilas Pilipinas guard Kiefer Ravena na piliin siyang isailalim sa random drug test habang sila ay nag-eensayo sa Foshan International Sports and Cultural Arena para sa FIBA World Cup 2019.

Ayon pa sa NLEX player na inaasahan na niya na mapili sa random drug test dahil kakagaling lamang niya sa 18-month suspension ng magpositibo ito sa paggamit ng ipinagbabawal na substance.

Nagawa pa lamang itong nakipagbiro kay Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao matapos na ito ay mapili sa random drug test.

Tiwala ito na magiging negatibo ang resulta ng nasabing drug test sa kaniya.

Kapag lumabas na ang resulta ay malilinisan na niyang tuluyan ang kaniyang pangalan.