-- Advertisements --
Kiefer Ravena
Ravena/ IG post

Hindi na maitago ni Kiefer Ravena ang kasabikan nitong makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

Ito ay dahil malapit ng matapos ang suspensiyon niya mula sa FIBA dahil sa paggamit ng mga pinagbabawal na substances.

Muli na itong makakapaglaro pagkatapos ang friendly game ng Gilas sa Australian team na 36ers sa darating na Agosto 23 at Agosto 24.

Magugunitang sumama ito sa isinagawang walong araw na training camp ng national team sa Spain.

Ang FIBA World Cup sa China ay magsisimula na sa katapusan.