-- Advertisements --

Inalok na ng kasal ni Ray Parks ang nobya nitong si Zeinab Harake.

Sa ibinahaging video ng Osaka Evassa guard ng Japan B. League sa social media nito ay makikita ang proposal niya sa internet celebrity.

Mahigit isang taon ng nagsasama ang dalawa kung saan kinikilala na rin siyang ama ng dalawang anak ng nobya na sina Bia at Lucas.

Ito rin aniya ang maaaring dahilan kaya hindi sumama si Parks na maglaro kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.