-- Advertisements --

Pumanw na ang R&B singer na si B.Smyth sa edad na 28.

Ayon sa kapatid nito na si Denzil na nagkaroon ng respiratory failure ang kapatid at ito ay dinala sa pagamutan.

Dagdag pa nito nasa ICU na ito ng ilabas ang bago nitong kanta na “Twerkaholic Part 2,” noong mga nakaraang linggo.

Si Brandon Smith sa tunay ay sumikat sa pag-cover ng mga sikat na kanta gaya ng “Quickie” ni Miguel o “Stay” ni Rihanna noong 2010.

Unang kantang inilabas nito ay “Leggo” kasama si 2 Chainz at noong 2013 ay inilabas nito ang album nitong “The Floride Files”.