-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong rape ang RnB singer na si Chris Brown matapos na painumin ng droga ang biktima nito sa knaiyang yate sa Florida.

Humingi ang bikima ng $20 milyon na damyos laban sa R&B singer.

Isa umanong choreographer, dacner at musical artist ang nasabing biktima kung saan naganap umano ang insidente noong Disyembre 30, 2020.

Base sa testimonya ng biktima na, inimbitahan siya ng singer sa yate at binigyan ng inumin kung saan matapos niya itong inumin ay nakaramdam siya ng pagkahilo.

Ayon sa abogado ng biktima na hindi na ito nagsumbong sa pulis dahil sa nahihiya ito.

Magugunitang sinampahan na si Brown ng dati nitong nobya na si Rihanna dahil sa pananakit.

Sinampahan na rin ito ng kaso ng babae na kaniyang dinala sa isang sikat na hotel sa Paris.