-- Advertisements --

Pumasok na sa larangan ng boxing ang R&B singer na si Ne-Yo.

Ito ay hindi para maging boksingero at sa halip bilang manager ni Paul Bamba.

Nakatakda kasing lumaban ang 35-anyos na si Bamba kay Rogelio “Porky” Medina.

Gaganapin ang kanilang WBA Gold Cruserweight fight sa Disyembre 21 sa New Jersey.

Mayroong record si Bamba ng 18 panalo, tatlong talo na may 17 knockouts.

Pinasalamatan ng boksingero ang singer dahil sa patuloy na suportang natatanggap nito lalo na sa training.