-- Advertisements --

Binigyang diin ng isang mambabatas na ang pagsali sa pinakamalaking free trade bloc sa mundo ay hindi isang “magic pill” na lulutasin ang mga problema sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP ay maglalagay sa Pilipinas sa isang dehado na sitwasyon.

Aniya, ito ay isang mahabang proseso ngunit isang magandang pagkakataon upang maging kapantay ng ating mga kalapit na bansa sa Association of South East Asian Nation.

Dagdag pa ng senadora na hindi ang Regional Comprehensive Economic Partnership ang unang trade deal na pinasok ng Pilipinas.

Kasama sa naturang trade deal ang 10 ekonomiya sa Southeast Asia kasama ang China, Japan, South Korea, New Zealand at Australia, na may mga miyembrong bumubuo ng humigit-kumulang 30 percent ng global gross domestic product.

Ito ay nilunsad noong 2012, nilagdaan ang deal noong Nobyembre 2020 at nagkabisa naman noong Enero 2022 kung saan karamihan sa mga bansang miyembro ay niratipikahan ang kasunduan.

Ang kasunduan na babaan ang mga taripa at buksan ang kalakalan ng mga serbisyo ay hindi kasama ang Estados Unidos at tinitingnan bilang isang kudeta para sa China sa pagpapalawak ng impluwensya ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.