CENTRAL MINDANAO-Isinagawa ang stakeholders meeting na pinangunahan ni Regional Development Council (RDC) XII Chairperson Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa Provincial Capitol Rooftop Amas Kidapawan City.
Kasama sa pagpupulong sina National Economic Development Authority (NEDA) XII Assistant Regional Director Carmel P. Matabang at mga division heads ng ahensiya, mga representante mula sa Bureau of Customs (BOC) – Davao sa pangunguna ni Atty. Erastus Sandino B. Austria, CESO V, District Collector, BOC-Dadiangas sa pangunguna ni Acting Port Collector Orlando C. Orlino, Philippine Ports Authority (PPA), Local Government Unit (LGU) – General Santos City, South Cotabato Integrated Port Services, Inc. at iba pang concerned sectors and agencies.
Nakasentro ang diskusyon ng nasabing pagpupulong sa mungkahi ng General Santos City Development Council na pinagtibay ng RDC XII na ihiwalay ang Sub-port ng Dadiangas mula sa hurisdiksyon ng Collection District XII o Port of Davao na magbibigay daan sa paggawa ng bagong Collection District para lamang sa SOCCSKSARGEN Region o Region XII.
Binigyang diin naman ni RDC Chair Mendoza ang direksyon ng konseho na isulong ang panukalang paghiwalay ng Sub-Port of Dadiangas sa Port of Davao at gawin itong Principal Port of Entry upang mabigyan ng tamang pagkilala ang SOCCSKSARGEN at General Santos City, partikular na ang Makar Wharf.
Sinabi din ng gobernadora na kailangang paghandaan ng mga lokal na opisyales sa rehiyon ang nasabing plano at hiniling ang suporta ng NEDA, PPA, at iba pang mga stakeholders upang maimplementa ang nasabing programa sa lalong madaling panahon.