-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Regional Development Council XII (RDC) Chairperson Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ng lalawigan ng Cotabato ang nanumpa bilang bagong Co-Chair ng Mindanao Committee (MinCom) sa isinagawang Regional Development Committe reorganizational meeting for 2022-2025, kahapon sa Park Inn, Davao City.

Ang nasabing panunumpa ni Mendoza kasama si Mayor John M. Dalipe ng Zamboanga City na nahalal din bilang bagong pangulo ng MinCom ay pinangunahan ni Governor Corazon N. Malanyon, RDC XI chair .

Ang RDCom Mindanao ay sub-committee ng Regional Development Committee ng National Economic Development Authority (NEDA)Board. Ito ay nagsisilbing Mindanao clearing house sa lahat ng regional development and policy concerns bago paman maipasa sa level ng RDCom ng NEDA Board.