Kinumpirma ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 6 na aabot na sa mahigit 20,000 na mga residente sa Western Visayas ang apektado ng bagyong Kristine.
Ayon sa ahensya, ito ay may kabuuang 20,403 na residente mula sa nasabing rehiyon katumbas ng 4,602 na pamilya.
Ang naturang bilang ng mga apektadong pamilya ay mula sa 83 barangay.
Ito ay nagmula sa lalawigan ng Iloilo, Negros Occidental, Capiz, at Aklan.
Sinabi pa ng ahensya na karamihan sa mga affected residents ay nanatili ngayon sa mga itinalagang evacuation centers at ang iba ay namamalagi sa kani-kanilang kapamilya at kamag-anak.
Sa isang pahayag, sinabi ni OCD-6 Spokesperson Maria Christina Mayor , nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation partikular na sa mga flood at landslide areas.
Layon lamang ng hakbang na ito na mailayo sila sa anumang disgrasya.