-- Advertisements --

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na 22 barangays sa region 8 ang lubog sa tubig baha dulot ng Bagyong Bising.
Ito ay sa bayan ng Can-avid at Jipadpad sa eastern Samar.


Dalawang road sections at isang tulay ang hindi madaanan, habang apat na probinsiya sa region 7 at region 8 ang nakakaranas ng power outages o walang kuryente.

Nasa 2,213 na mga pasahero,896 rolling cargoes, 61 vessels ang istranded sa mga pier ng region 5, 7 at 8.


18,467 pamilya o 68,490 indibidual ang na-“displace” dahil sa bagyong Bising sa region 5 at region 8.


Sa ngayon, nananatiling naka-alerto ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council at AFP Central Command sa Visayas dahil sa Bagyong Bising.


May ilang lugar pa rin kasi sa Visayas ang nasa signal number 1 at signal number 2.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay AFP Central Command, U7 Civil Military Operations (CMO) Chief Col. Gerry Besana, nananatiling naka standby ang mga disaster and rescue teams ng Central Command lalo na ang 8th Infantry Division sa Eastern Visayas.

Naka-alerto din ang lahat ng available military assets para sa sandaling kailangan ay maideploy agad ito.

Sinabi ni Besana, sa ngayon hinihintay pa nito ang report mula sa ibat ibang AFP units hinggil sa iniwang epekto ng Bagyong Bising.