-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na natapos na ang kanilang isinagawang re-autopsy sa bangkay ni Constancia Dayag, ang 47-anyos na Pinay domestic helper (DH) na pinatay sa Kuwait.

Sinabi ni NBI spokesman at Deputy Director Ferdinand Lavin, nakakuha na ang NBI ng sample tissue mula sa biktima at nagsagawa rin sila ng swabbing.

Ayon kay Lavin, lalabas ang resulta ng otopsiya at toxicology sa loob ng apat hanggang limang buwan.

Magugunitang maliban sa pagpatay sa pamamagitan ng pambubugbog, pinaniniwalaang ni-rape din ng employer si Dayag.