-- Advertisements --
(Update) VIGAN CITY – Hidwaan umano sa politika ang pinaniniwalaang motibo sa pagpatay sa isang re-elected municipal board member sa bayan ng Pilar, Abra, nitong Lunes.
Kinilala ang nasawi na si Amante Doral, 63.
Batay sa ulat, pinagbabaril ang biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspek makaraang dumalo ito sa flag raising ceremony ng kanilang munisipyo.
Nagtamo si Doral ng tama ng bala ng baril sa likod at naisugod agad sa ospital.
Sa kabila nito, idineklara rin daw ang opisyal na dead on arrival.