Itiniwalag si re-electionist Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri mula sa Senate slate ng Leni-Kiko tandem.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, napagdesisyunan nilang tanggalin si Zubiri matapos ang pag-endorso nito sa rival candidate ni Robredo sa presidential race.
Nabatid na noong Marso sa kasagasagn ng campaign sortie ni presidential aspirant Bongbong Marcos sa Malaybalay, Bukidnon, sabay na itinaas ni Zubiri at ng kaniyang ama na si Governor Joe Zubiri ang kamay ni Marcos Jr.
Aniya, ang hayagang pag-endorso ni Zubiri sa publiko ay paglabag sa kasunduan ng lahat ng guest candidates ng Leni-kiko senatorial line-up.
Kahit na 12 araw na lamang aniya ang nalalabi bago ang araw ng halalan sa Mayo 9, magpapatuloy sila kahit na 11candidate ang kanilang Senate slate.
Hindi pa naglalabas ng statement sa kasalukuyan si Senator Zubiri hinggil sa naturang isyu.
Magugunita din na ang nangyaring insidente sa Bukidnon ang nagudyok kay Senator Ping Lacson na tanggalin si Zubiri mula sa kaniyang Senate slate nitong unang bahagi ng buwan ng Abril.