-- Advertisements --

Nagpatupad na ng balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagsisimula ng election period.

Naging tradisyon na rin ng PNP ang pagtupad ng re-shuffle sa mga police officers, kabilang ang mga regional, city police directors sa tuwing halalan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla, nuong January 8,2025 sinimulan ang paglipat sa llibong mga police officers sa ibat ibang kampo ng PNP sa buong bansa.   

Kabilang sa mga inilipat ng pwesto ay mga pulis na may mga kamag-anak na tumatakbo sa halalan.

Kabilang sa mga ni-re-shuffle ay mga regional police directors mula sa Region III, Region VII, Region IX at ang hepe ng Highway Patrol Group (HPG).