Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa bansa, minamadali na ngayon ng Commission on Election ang kailangang proseso para sa mga reactivation ng Pilipino na gustong I reactivate ang kanilang status sa komisyon bilang botante.
Ito ang ginagawang paglilinaw ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco sa mga kawani ng media.
Ayon kay Laudiangco, aabot kasi sa mahigit limang milyong botante ang inalis ng poll body sa listahan ng mga aktibong botante bago ang nalalapit na halalan.
Kabilang sa mga inalis ay mga Pilipino na hndi nakaboto ng higit dalawang beses o dalawang magkasunod na halalan.
Para sa mga nais magpa reactivate ng kanilang status, sinabi ng poll body na maaaring I download ang form sa kanilang website o magtungo sa kanilang mga tanggapan sa buong bansa.
Pagkatapos at maaari na itong isumite sa itinalagang election officer sa mga nakakasakop na lugar o di kaya at ipasa sa mga Register Anywhere program ng komisyon.
Paglilinaw pa ng opisyal na walang hihingin ang ahensya na anumang panibagong larawan, pirma, o biometrics ang mga botante dahil mayroon na nito sa kanilang database
Makikita rin sa website ng komisyon ang directory para sa kaukulang schedule ng panunumpa sa pamamagitan ng video conference.