-- Advertisements --

Maaasahan ang pinalawig na “Ready to Rebuild Program” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at World Bank ngayong 2022.

Ayon kay NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad, apat pang training batches ang isasagawa ngayong taon matapos ang unang apat na isinagawa noong nakaraang 2021.

Binigyang diin ni Jalad na ang proseso ng rehablilitasyon at pagrekober ay hindi lang dapat simulan pagkatapos ng sakuna, kundi bago pa man ito dumating.

Kailangan aniyang may sapat na kasanayan at paghahanda ang mga komunidad para mas mabilis ang pagbangon mula sa mga kalamidad.

Dagdag ng NDRRMC official, bibigyang prayoridad para sa unang training batch sa taong ito, at pang-lima sa serye ng pagsasanay, ang 35 local government unit (LGU) mula sa limang rehiyon na lubhang napinsala ng Bagyong Odette.

Umaasa si Jalad na ang pagsasanay ay makakatulong sa mga naturang LGU para sila ay maka “build-back better, faster, and greener.”

Mula nang ilunsad ang programa noong nakaraang taon, 197 lalawigan, siyudad, at munisipyo mula sa lahat ng 17 rehiyon ang nagbenepisyo sa pagsasanay.