-- Advertisements --
senate

Hinikayat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Kongreso na ikonsidera ang realignment ng P150 million Department of Education confidential funds.

Kasabay ito ng pagkwestiyon ni Pimentel sa kahalagahan ng napakalaking pondo para sa isang civilian agency na naatasang isulong ang edukasyon at hindi security concerns na siyang layunin ng confidential at intelligence funds.

Ayon kay Pimentel, hindi lang nila kukwenstyunin bagkus susubukan pa nilang amyendahan at ilipat sa programa o aktibidad na direktang may kinalaman sa edukasyon. 

Inihayag ni Pimentel na ito ang unang pagkakataong humiling ang DepEd ng confidential funds.

Ang DepEd ay pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte-Carpio.