-- Advertisements --

Inanunsiyo ng reality star at dating Olympian na si Caitlyn Jenner na siya ay tatakbo bilang gobernador ng California.

Ang Republican na si Jenner ay naghain na mga dokumento sa Los Angeles County at inanunsiyo nito ang pagnanais niyang pagtakbo sa susunod na halalan.

Sinabi nito na sa loob ng 50 taon ay naging tahanan niya ang California at nais niyang gawing totoo ang mga pangarap ng mga residente.

Nakatakda nitong palitan si California Democratic Governor Gavin Newsom para sa inaasahang recall election ngayong taon.

Ayon sa mga nananawagan ng recall election, nakalikom na sila ng 2.1 milyon na pirma na mas mahigit pa sa kailangan na 1.5 milyon na pirma.

Mayroon hanggang Abril 29 ang county officials para beripikahin ang nasabing mga pirma at ipasa ito sa secretary of states ng California.