LAOAG CITY – Naging emosyonal ang isa sa mga apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang ipinlaiwanag nito ang mga rason para sumuko ito sa gobierno.
Una rito, sinabi ni Major General Andrew D. Costelo PA, Commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army na Pebrero 7, 2022 noong boluntaryong sumuko sina alyas “Ligaya”, “Teresa”, “Elvie” at “Marinel” mula sa Marcos, Vintar at Carasi, Ilocos Norte.
Sinabi ni Costelo, bitbit ng mga rebelde ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M14 rifle; isang US Remington Model 03-03 at isang homemade shotgun.
Sa naging presentasyon ng mga rebel returnees sa Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) na pinangunahan ni Governor Matthew Marcos-Manotoc, Provincial Director Pol. Col. Julius Suriben, Regional Director ng PNP-Region 1, alkalde ng Solsona, Carasi at Marcos kasama ng mga ilang chief of police sa probinsya.
Inihayag ng isa sa mga sumukong rebelde sa gitna ng kaniyang pagiging emosyonal na habang nakatira ang mga ito sa bundok ay nakalalaban nila ang tropa ng gobierno.
Aniya, simula ng nabaril ang kanyang hita ay doon siya natakot at naisipang bumaba at sumuko sa gobierno.
Sinabi nito na para sa kanya, walang magandang dulot sa kanilang kinabukasan kung magpapatuloy ang paglaban sa gobierno.
Kaugnay nito, pinuri ng rebel returnee ang iba’t-ibang programa ng gobierno na makakatulong sa kanila dahilan upang ipangako nito na tumulong sa pagpapanitil ng kaayusan at katahimikan sa probinsya.