-- Advertisements --
Apayao NPA Luna

BAGUIO CITY – Sumuko sa tropa ng pamahalaan ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Luna, Apayao.

Isinuko rin nito ang isang M653 carbine rifle, tatlong magazines ng baril, maraming bala at isang homemade bandolier.

Tinanggap naman ito ng mga opisyal ng Philippine Army, Apayao Police Provincial Office at ng provincial government ng Apayao sa seremonyang isinagawa sa Payanan, San Gregorio, Luna, Apayao.

Agad itong dinala sa opisina ng Philippine Army sa Alcala, Cagayan para sa custodial debriefing at kaukulang disposisyon.

Ayon sa militar, ang nasabing rebel returnee ay maikokonsiderang child warrior dahil sa edad nitong 10-anyos ay nahikayat itong sumali sa mga rebelde na may operasyon sa Cagayan at Apayao.

Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa militar dahil sa pagsusulong ng mga ito sa kanyang pagbabalik loob.

Umaasa din siyang matatanggap siya ng lipunan sa pamamagitan ng suporta ng pamahalaan at ng iba pang sektor sa pamayanan.