-- Advertisements --
LAOAG CITY – Hinikayat ang rebel returenee na si Fanny Camaliug Albano ang mga rebelde na sumuko na sa gobyerno para sa pagbabago.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Albano, inalala niya ang kanilang ginagawa noong kasapi pa ng New People’s Army (NPA) na nagbabahay-bahay sila na humihingi ng tulong at minsan ay napapalaban sila sa mga sundalo ng gobyerno.
Sinabi ni Albano na minsan ay muntik nang mamatay noong makasagupa nila ang militar dito sa Ilocos Norte kung hindi hinila ang kanyang kasamahan.
Nabatid na tatlo silang sumuko noong nahuli sila ng mga otoridad noong Marso 1991.
Maalala na isinagawa ang rally ng mga iba’t-ibang grupo laban sa New People’s Army kahapon kasabay ng founding anniversary ng rebeldeng grupo.