-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ikinagalak ng PNP at AFP ang pagtugon ng dumaraming mga miyembro ng local terrorist groups sa kanilang panawagan na sumuko at magbagong-buhay upang mabigyan ng pagkakataong mamuhay ng payapa.

Pinakabago sa mga naitalang sumuko sa mga otoridad ay ang limang rebel returnees na nagdesisyon magbalik-loob sa gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu chief of police Maj. Johnnyrick Medel, nagmula ang nasabing mga surenderees sa Brgy. Tasiman at Lamfugon kung saan dala ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng dalawang M-16 rifles, revolver, granada, at mga bala.

Pagod na umano ang mga ito sa pakikibaka laban sa mga tropa ng gobyerno kaya nagdesisyon ang mga rebeldeng bumaba at sumuko.

Nangako naman ang Lake Sebu LGU na ibibigay nito ang karampatang ayuda sa mga surenderees upang makapagsimula sa kani-kanilang mga buhay.