KORONADAL CITY – Nagresulta sa pagkamatay ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagyaring engkwentro sa pagitan nila ng militar sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Jones Otida, battalion commander ng 27th Infantry Battalion Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Otida, pasado alas-12:30 ng Lunes ng madaling araw nang mangyari ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Guerrilla Front 73 ng NPA na pinamumunuan umano ni Kumander Kidlat sa Sitio Bangi, Barangay Lunen sa nasabing bayan.
Tumagal ng halos 30 minuto ang palitan ng putok ng magkibalang panig at umatras ang armadong grupo kung saan narekober sa nasabing grupo ang 2 high powered firearms na kinabibilangan ng M14 rifle at M653 rifle, ammunitions at iba pang dokumento.
Inihayag ni Otida na ang sagupaan ay resulta ng suporta ng mga residente na ayaw na sa presensya ng grupo na patuloy umano ang pangrerecruit sa mga kabataan at IP Community sa lugar.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang focused military operation ng 27IB laban sa mga nakatakas na mga NPA.