BUTUAN CITY – Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang 22-anyos na rebeldeng anak ni Bayan Muna partylist Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn sa seminteryo ng Bgy. Diatagon, bayan ng Lianga, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni 1Lt Krisjuper Punzalan ng 3rd Special Force ‘Arrowhead’ Battalion, Philippine Army, pasado alas-2:30 kaninang hapon Ibinaba mula sa kanilang bahjay ang bangkay patungong simbahan hanggang sa simenteryo.
Ayon sa tagapagsaita ng pamilya Cullamat na si Jezreen na kapatid ng namatay, maraming mga negatibong impormasyong ipina-abot sa kanila laban sa kasundaluhan upang sirain lang ang militar ngunit mas pinili nila ang kanilang nakitang pagsisikap ng kasundaluhan na maibaba lang ang bangkay na iniwanan lang ng mga tumakas na kasamahan ni Jevilyn sa encounter site.
Malaki ang pasasalamat ng pamilya Cullamat sa pwersa ng kasundaluhan pati na sa 401st Brigade, Philippine Army sa tulong na kanilang ibinigay sa kanilang pamilya mula sa pagbaba ng bangkay mula sa encounter site sa bukiring bahagi ng Marihatag, Surigao del Sur hanggang sa paglamay nito at sa mismong paglibing. .