Tuluyan nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang rebellion case ni dating senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay matapos buhayin ang nasabing kaso sa Makati Regional Trial Court (RTC) nang bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty nito noong 2018.
Sa decision ng CA Sixth Division, binaliktad nito ang orders ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda, na itinuturing na “grave abuse of discretion.”
Ito ay lalo na’t si Alameda rin ang hukom na nagbasura sa rebellion case ni Trillanes noong 2011 Trillanes matapos ang certificate of amnesty na ipinagkaloob ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nag-ugat ang kaso ni Trillanes nang okupahin nito ang Oakwood Hotel sa Makati City noong 2003 at ang Manila Peninsula Hotel noong 2007, noong siya ay isa pang Navy officer kasama ang Magdalo soldiers.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang protesta laban sa administasyon noon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Pitong taong nakulong noon si Trillanes at noong 2011 ay binigyan siya ng amnestiya ni dating Pangulong Aquino.
Una na ring ibinasura ni Makati RTC 148 Judge Andres Soriano ang mosyon ng Department of Justice (DoJ) para buhayin ang hiwalay na coup d’etat case ni Trillanes.