-- Advertisements --

Naibalik na rin sa French museum matapos na manakaw ng halos 50 taon ang rebulto ng Greek God na si Bacchus.

Ang 1st century bronze ni Bacchus bilang bata ay ninakaw noong Disyembre 1973 kasama ang 5,000 Roman coins.

Natunton ni art detective Brand ang statue sa museum kung saan ang kliyente ay inalok ng isang Austrian collector.

Ang istatwa na may taas na 15.7 pulgada ay unang nahukay sa Gallo-Roman village ng Vertillum sa eastern France noong 1894 at ilang taon itong inilagay sa Paris exhibition ng finest art pieces ng France.