-- Advertisements --

Itinumba ng mga protesters ang rebolto ni Christopher Columbus sa Baltimore.

Matapos na matumba ito ay itinapon pa ng mga protester ito sa ilog.

Ito na ang pinakahuling rebolto na sinira na may kinalaman sa colonialism at slavery sa US matapos na ilunsad ang “Black Lives Matters Protest” ng mapatay ang black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan sa Minneapolis.

Isang sikat na Italian navigator si Columbus na nakarating sa America noong 1492.

Noong nakaraang buwan ay tinanggal na rin ang rebolto ni Columbus sa San Francisco.

Mula ng sumiklab ang kilos protesta ay maraming mga sikat na rebolto ang na-vandalized at sinira ng mga protester habang ang iba ay k usa ng tinanggal ng gobyerno.

Ilan sa mga dito ay ang Confederate General Stonewall Jackson sa Richmond, Virgina ganun din ang ginawa sa Confederate President Jefferson Davis statue sa Frankfort, Kentucky.

Pininturahan ng mga protesters ang Confederate statue ni General J.E.B. Stuart sa Richmond, Virginia.

Itinumba na rin ng mga protesters ang rebolto ni Charles Linn ang city founer sa Confederate navy sa Birmingham, Alabama.

Tinanggal naman ang ulo ng statwa ni Columbus sa Boston, itinumba naman ang statue ng Confederate soldier sa Raleigh, North Carolina habang tinapunan ng pintura ang rebolto ni Jefferson Davis sa Virginia at maraming iba pa.