-- Advertisements --

Tinanggal ng hindi pa nakilalang grupo ang rebolto ni US First Lady Melania Trump sa kaniyang bayan sa Slovenia.

https://www.instagram.com/p/CCaUtLDlz4p/

Ipinaalam ng mga kapulisan ng Sevnica sa central Slovenia kay Brad Downey ang artist na gumawa ng rebolto na ito ay sinira.

Ang nasabing rebolto ay itinayo noong Hulyo 2019 bilang bahagi ng short documentary film.

Hindi pa malaman ng mga otoridad kung anong grupo ang nasa likod ng pagsira ng rebolto.

Dahil sa insidente ay minabuti na lamang ni Downey na tanggalin na lamang ang nasabing rebolto.