-- Advertisements --
Nakatakdang tanggalin na ang rebolto ni dating President Theodore Roosevelt na matatagpuan sa harap ng American Museum of Natural History sa New York.
Sinabi ni New York City Mayor Bill de Blasio na ang rebolto ay tila nagpapakita ng pagiging racist sa mga black American.
Makikita sa nasabing rebolto na nakasakay sa kaniyang kabayo ang ika-26 na pangulo ng US na nakatayo sa kabila ang isang Native American man habang sa katapat nito ay isang African man.
Ayon sa alkalde na mismong ang American Museum of Natural History ang humiling sa kanila na tanggalin ang nasabing rebolto.
Ang rebolto na pinangalanang “Equestrian Statue of Theodore Roosevelt” ay na-commissioned noong 1925 at ito ay nag-debut noong 1940.