Nasasabik na umano ang liderato ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na masimulan ang formal transition process ng team ni presumptive President Joe Biden.
Ayon sa senior offical ng CDC, ito ang matagal na nilang hinihintay na magkaroon ng bagong administrasyon ang kanilang bansa.
Sinabi nito na inaasahan na nilang may mangyaring “rebuilding of the agency” lalo pa’t ito ang standard operating procedure ng transition of administrations.
Aniya, nasasabik na silang masimulan ang gagawing regular briefings na unang pinahinto ni US President Donald Trump simula ng pandemya.
Sa Biden administration maging focus daw sila sa pagsusuri na may kaugnayan sa transmission ng virus at kung paano mapipigilan pa ang pagkalat ng deadly virus. (report by Bombo Jane Buna)