-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang rebulto ng “Christ The King” sa loob ng Christ the King parish sa Kabacan Cotabato ng itoy pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek.

Ayon sa ulat ng Kabacan Municipal Police Station (MPS) na pinasok ng hindi kilalang suspek ang Christ The King Parish Church sa Aglipay Street Brgy Poblacion Kabacan Cotabato at pinagbabaril ng suspek ang rebulto ng santo gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo nang magresponde ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at PNP.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at paa ang rebulto ni Christ The King.

Sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na lapastangan ito sa rebulto na santo at kawalang respeto sa isang relihiyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa naturang pangyayari.