-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Malacañang na malinaw ang mensahe ng pagpapa-recall ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ambassador at consul ng Pilipinas mula sa Canada.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin ng recall order na mahikayat ang Canadian government na bilisan ang pagkuha sa tone-toneladang basura nila sa Pilipinas.

Ayon kay Sec. Panelo, habang nade-delay ang pagkilos ng Canada, lalong pine-personal ito ng Pilipinas at hindi makabubuti ito sa diplomatic relations ng dalawang bansa.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi na-comply ng Canada ang May 15 deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabi nilang may inaayos pang mga dokumento kaya kumilos na ang DFA.

Kasabay nito, tiwala naman ang Malacañang na hindi makakaapekto sa mga Filipino migrants sa Canada ang hakbang na ito ng gobyerno ng Pilipinas dahil ligal namang naninirahan at nagtatrabaho ang mga Pilipino doon.

“Para—that order of the recall is to persuade them to make it fast. The more they delay, the more personal we’ll be coming back. Di ba I issued a statement noon pa, that their refusal to bring the garbage back to their shores is ‘disruptive,’ that’s what the word I used, disruptive of our diplomatic relations. Eh iyon na nga ang nangyayari,” ani Sec. Panelo.