Limang buwan nang bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nararanasang pandemya na dulot ng coronavirus pandemic.
Mas mahaba ito simula noong 1980 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung kailan lubog sa utang ang bansa.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas lalo pang bumaba ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas. Mula sa 0.7 percent noong unang quarter ng 2020; 16.9 percent noong ikalawang quarter ng parehong taon; 11.4 percent noong third quarter; 8.3 percent naman noong ikaapat na quarter ng 2020; at ngayong taon naman ay naitala ang 4.2 percent GDP.
Target noon ng pamahalaan ang 6.5 hanggang 7.5 percent GDP growth ngayong taon mula sa dating record na 9.6 percent na pagbulusok ng GDP noong 2020 o ang tinaguriang worst post-war recession ng bansa.
Ayon pa kay National Statistician Dennis Mapa, sa unang tatlong buwan ng taon ay bumaba ang nabawasan ang bilang ng mga nasa agriculture, industry at service sectors.
“For the first quarter of 2021, major contributors to the decline of GDP growth from the expenditure side were construction with -3.9%; household final consumption expenditure (-3.6%); durable equipment (-1.1%),” paglalahad ni Mapa.
“On the other hand, positive contributors to the GDP growth for the first quarter of 2021, were government final consumption expenditure (2.0%); net export (0.6%); and intellectual property products (0.01%),” pagtatapos ng opisyal.