-- Advertisements --

Malaki ang makukuhang benepisyo ng Pilipinas mula sa planong Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagpapanatili sa regional peace and stability sa Indo-Pacific region.

Ito ang binigyang diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang bilateral talks ni Japan Prime Minister Fumio Kishida. Ang bilateral talks ay isinagawa sa sidelines ng ASEAN- Japan Commemorative Summit.

Ayon sa chief executive, ang pinalakas na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay pinatunayan sa pamamagitan ng Official Security Assistance na napagkasunduan bilang resulta sa pagiging strategic partnership ng dalawang bansa.

Ipinunto ng Pangulo na sa pamamagitan ng RAA lalong lalakas ang maritime cooperation ng Pilipinas at Japan.

Ang nasabing kasunduan ang siyang mag facilitate sa mga guidelines and procedures kapag nagkaroon ng joint training exercises ang dalawang bansa.

Noong buwan ng Nobyembre sinimulan na ang pag uusap para sa RAA kung saan pinangunahan ito ng Department of National Defense. Kasama din sa negotiating team ang Dept. of Foreign Affiars, at Dept. of Justice. – ANALY SOBERANO