Posibleng malagdaan na ngayong taon ang reciprocal access agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan ayon kay PH ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Sa ilalim ng kasunduan, papahintulutan ang PH at Japan na magpadala ng military forces sa bawat isa para magsagawa ng joint drills.
Maaari din na magkasundo ang PH at Japan sa naturang access deal pagkatapos ng trilateral summit sa Washington sa Biyernes, Abril 12, na kauna-unahang pagpupulong ng 2 lider ng PH, Japan at US kung saan nakatakdang talakayin ang magkaparehong security concerns sa gitna ng tumitinding tensyon sa WPS dahil sa umiigting na pagiging agresibo ng China sa paggiit ng maritime claim nito na pinawalang bisa ng international tribunal.
Ayon kay Amb. Romuladez, si Defense Sec. Gilbert Teodoro ang nakatakdang lumagda para sa panig ng PH sa nasabing kasunduan.
Una ng inilarawan ni PBBM ang panukalang reciprocal access agreement sa Japan na sobrang mahalaga para mapanatili ang kapayapaan sa WPS at sa pagtugon sa mga sakuna.
Sa kasalukuyan, tanging sa kaalyadong US at Australia pa lamang mayroong visiting forces agreement ang PH.