Posibleng pipirmahan ngayong araw ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ang Reciprocal Access Agreement ay isang military agreement na magbibigay daan sa mga mutual visit sa pagitan ng mga pwersa ng Pilipinas at Japan para sa mga training exercises.
Ngayong araw, July 8, 2024, ay ang nakatakdang 2nd Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting (2+2) na inaasahang dadaluhan ng mga matatas na opisyal ng Pilipinas at Japan.
Sa panig ng Pilipinas, inaasahang dadalo sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Gilberto Teodoro Jr. habang sa Japan ay kakatawanin ito nina Foreign Minister Yoko Kamikawa at Defense Minister Minoru Kihara.
Sa ilalim ng RAA, ilalatag dito ang mga guideliines na susundin para sa mga gagamiting armas-pandigma sa mga joint military excercises.
Ilalatag din dito ang mag criminal acts, at iba pang salik na dapat sundin ng dalawang panig habang nagsasagawa ng military excercises.
Nitong nakalipas na linggo nang sinabi ni Japanese Ambassador Kazuya Endo na halos kumpleto na ang mga RAA at nakahanda na ito para sa pagpirma.
Ayon kay Endo, ikinababahala rin ng Japan ang sunod-sunod na paglabag na ginagawa ng China sa freedom of navigation sa Asia-Pacific Region, kasama na ang mistulang pagpapataas nito ng tension dahil na rin sa sunod-sunod na pagharang at panghaharass sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.