-- Advertisements --
Maliit lamang ang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa ang 17% reciprocal tarrif na ipinataw ng Amerika sa Pilipins.
Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr nitong nagdaang Martes ang economic team kung saan tinalakay ang posibleng epekto ng reciprocal tariff sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ni Go, batay sa kanilang pagtantiya nasa zero point one percent lamang ng GDP ang epekto nito sa susunod na dalawang taon.
Inihayag ni Go na ang dagdag na taripa ay mayruong epekto sa ilang industriya sa Pilipinas.