-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hiniling ngayon ng mga pamilya ng mga biktima sa karumal-dumal na masaker sa Maguindanao na hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga suspek.

Humirit naman ang iba na dapat parusahan ng kamatayan ang nagplano at utak sa brutal na pagpatay sa 58 ka tao kabilang na ang 32 na mga Mamamahayag sa Sitio Masalay Brgy Salman Ampatuan Maguindanao.

Una nang sinabi ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu na magbibitiw siya sa puwesto kung mabigong mahatulan ng korte ang isang dekada ng paglilitis sa malagim na kremin sa kasaysayan ng halalan sa bansa.

Para kay Mangudadatu guilty verdict sa mga taong isinangkot sa Maguindanao Massacre.

Matagal na umanong napatawad ni Cong Toto ang mga suspek ngunit kailangang parusahan sila na naaayon sa batas ng bansa.

Hiniling din ng Kongresista sa mga otoridad na hulihin ang ibang suspek na nakakalaya parin at banta sa seguridad ng pamilya ng mga biktima sa masaker.

Umaasa si Mangudadatu at pamilya ng mga biktima sa malagim na masaker na guilty verdict ang hatol ni Judge Jocelyn Solis Reyes sa mga suspek sa promulgasyon nito ngayong araw ng Huwebes.