Napapanahon umano ang panibagong tagumpay na nakamit ng Bombo Radyo, makaraang mabasag nito ang sariling record bilang pinakamadugong blood letting activity sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) chairman at Sen. Richard Gordon, sa ganitong panahon na maraming nagkakaroon ng dengue, kidney problems at sunod-sunod na kalamidad, mas malaki ang demand sa supply ng dugo.
Kaya para kay Gordon, nagagalak sila sa panibagong tagumpay ng Bombo Radyo Philippines sa idinaos na “Dugong Bombo: A little pain, a life to gain.”
Sa nasabing aktibidad, pumalo sa mahigit 9,000 ang successful blood donors, kung saan mahigit 4 million cc ang nakalap o katumbas ng halos 20 drums.
Idinaos ito sa 24 key cities sa bansa na may Bombo Radyo at Star FM stations, maliban lamang sa Isabela na apektado ng bagyong Ramon.
Wika pa ni Gordon, kapuri-puri ang gawaing ito dahil maliban sa daan-daang libo na matutulungan, nakapagbibigay din ng aral sa lahat ukol sa kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo.