Kinumpirma ngayon ng mga US state health officials umabot sa mahigit 100 ang nasawi sa loob lamang ng isang araw dahil sa coronavirus pandemic.
Sinasabing ang 157 deaths ang kauna-unahang nangyari sa Estados Unidos mula nang kumalat ang deadly virus.
Sa ngayon ang total deaths nationwide sa Amerika ay lomobo na sa 520 kung saan ang estado ng New York lahat nagmula ang pinakamaraming binawian ng buhay in a single day na umabot sa 157.
Samantala sa loob umano ng 72 oras magsisimula nang itayo sa New York at Seattle ang mga Army field hospitals.
Ito ang kinumpirma ng Chairman of the Joint Chiefs Gen. Mark Milley sa gitna na rin nang paglala ng sitwasyon.
Ang bawat hospital ay merong 248 kapasidad na beds kung saan 48 ay mga ICU beds.
Ang bawat mobile hospitals ay meron ding kasamang 11 ventilators.
Una rito ang US top health official ay nagbabala sa kanilang mamamayan na asahan pa ang paglala ng bilang ng mga kaso ng coronavirus ngayong linggo.
“This week it’s going to get bad,” ani US Surgeon General Jerome Adams sa pahayag sa NBC “Today” show. “We really, really need everyone to stay at home.”
Sa ngayon mahigit na sa 42,000 katao sa United States ang kinapitan ng coronavirus diseases.