Muling nakapagtala ang Taiwan ng maraming mga Chinese military aircraft sa palibot nito sa loob ng 24 oras.
Kahapon, July 11, umabot sa 66 Chinese military aircraft ang na-detect ng Taiwan Ministry of National Defense sa palibot nito.
Maliban dito ay naka-detect din ang Taiwan ng 7 People’s Liberation Army Navy vessel sa paliban nito.
Mula sa mahigit 60 aircraft, 56 sa mga ito ang natunton na tumawid sa sensitibong median line sa Taiwan Strait, ang katubigang naghihiwalay sa mainland China at Taiwan.
Ilan sa mga military aircraft ng China ay dumikit pa sa Taiwan nang hanggang 33 nautical miles (61KM) sa pinaka-timog na bahagi nito.
Ngayong taon, ang 66 military aircraft na na-detect ay siya nang pinakamaraming naitala ng Taiwan.
Sinundan nito ang 62 detected military aircraft noong May, kasama ang 27 naval vessel sa mga katubigang sinasakop din ng naturang estado. Sa naturang buwan ay opisyal noong nagsasagawa ang China ng military exercices, kasabay ng pagkapanalo ni Taiwan President Lai Ching-te.
Una nang sinabi kahapon ni Taiwan na tuloy-tuloy ang pagdaan ng mga barko at military aircraft ng China sa mga katubigang sakop nito kung saan ang iba ay pumapasok din sa katubigang sakop ng Pilipinas sa pamamagitan ng Babuyan Channel sa dulong bahagi ng Luzon.