Nakapagtala ang World Health Organization ng aabot sa 8.2 million na bagong kaso ng tuberculosis noong nakalipas na taon.
Ito ay mas mataas na numero ng naturang sakit simula ng simulan ang monitoring sa kaso ng TB noong taong 1995.
Ayon sa Global Tuberculosis Report 2024 ng WHO, malaki ang hamon ng naturang sakit kabilang na ang kawalan ng sapat na pondo.
Bumababa naman ang bilang ng mga namatay sa tuberculosis noong 2022 at umabot lamang ito sa 1.32 million habang naitala ang 1.25 million na bilang ng namatay noong nakalipas na taon.
Giit pa ng WHO na hindi lahat ng kaso ay may pagkakataong ma diagnose kaya posible pa itong umabot sa 10.8 million na kaso.
Nanawagan rin ng WHO sa lahat ng mga bansa na gumawa ng hakbang para masulusyunan ang mga kaso ng TB sa kanilang lugar.
Ang pagtaas naman ng mga kaso ng TB sa pagitan ng taong 2022- 2023 ay labis na nakakaapekto sa population growth sa buong mundo batay sa nasabing ulat.