-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng record high na 17,231 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

Dahil dito, nalagpasan na ang April 2, 2021 record na 15,310, pati na ang 14,895 new cases na nairehistro noong August 15, 2021.

Samantala mayroon namang 5,595 na bagong gumaling at 317 na bagong pumanaw.

tally doh

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (123,251) ang aktibo, 91.5% (1,653,351) na ang gumaling at 1.73% (31,198) ang namatay.

Ayon pa sa DoH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 18, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.03% sa lahat ng samples na nasuri at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19,” ani DOH sa abiso. “Mahalaga rin na tayo ay magisolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.”