-- Advertisements --
IMAGE © Cat Holloway / WWF

Ikinabahala ng United Nations (UN) ang ulat hinggil sa labis na pag-init sa malaking bahagi ng karagatan sa buong mundo.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng World Meteorological Organization (WMO) na mas lumala ang ocean heat sa nakalipas na apat na taon.

Ayon sa WMO, umabot na ang init sa hanggang 700-meters ng karagatan mula sa seabed nito noong 2018.

Itinuturing na record high ang datos dahil taong 1955 pa raw nang maitala ang huling ocean heat na umabot sa naturang lebel ng dagat.

“It proves what we have been saying that climate change is moving faster than our efforts to address it,” ani UN Secretary General Antonio Guterres.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo, ipinaliwanag ni Dan Faustin Ramirez, head ng Communication and Media unit ng World Wildlife Fund for Nature (WWF) Philippines ang pagkakaugnay nito sa climate change.

“Parte pa rin yan ng climate change. Its a reality at naapektuhan tayo niyan ultimately dahil to put it simply, the world is getting hotter. Ang implication nito nararamdaman natin: mas malakas yung mga bagyo, mas mahaba yung spells ng drought, at kawalan ng tubig,” ani Ramirez.

Ayon sa mga pag-aaral, greenhous gases na mula sa sinusunog na fossil fuels ang dahilan ng ocean heat.

Pinak-apektado raw nito ang pangingitlog ng mga isda sa dagat at corals na tinitirhan ng mga ito.

Bukas, araw ng Sabado gugunitain ang Earth Hour sa buong mundo kung saan sabay-sabay na papatayin ang mga ilaw sa loob ng isang oras bilang simbolo ng pakikiisa para pangalagaan ang kalikasan.

Dito sa Pilipinas, alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi gaganapin ang aktibidad.

Isang countdown program ang pasisinayaan sa Makati City kung saan inaasahang magtitipon-tipon ang lahat ng environmental advocates.