Sabay na nagposte ng triple double performance sina Jimmy Butler at Bam Abebayo sa panalo ng Miami Heat sa Sacramento Kings, 118-110.
Ayon sa Elias Sports Bureau sina Butler at Adebayo ang mga unang players sa NBA history na nagtala ng triple-double sa kaparehong game ng ilang beses.
Nagawa rin nila ito sa naging laban ng Heat kontra sa Atlanta noong Dec. 10, 2019.
Sa naging laro kanina nagpakita si Butler ng 13 points, 13 assists at 10 rebounds.
Ito rin ang kanyang ikatlong sunod na triple-double performance.
Habang si Adebayo naman ay nagpakawala ng 16 points, 10 assists at 12 rebounds upang tulungan ang Miami na itumba ang Sacramento sa unang pagkakataon sa loob ng halos limang taon.
Sinasabing ang huling dalawang players na sabay na may triple-double sa iisang game ay nagawa noon nina Ja Morant at Jonas Valanciunas laban sa Memphis na naganap noon pang Aug. 13, 2020.
Samantala, malaki rin naman ang naitulong sa Miami nina Tyler Herro na nagpakitang gilas sa 27 points at si Kelly Olynyk na hindi rin nagpahuli sa season-high na 22 points at seven rebounds.
Sa kampo naman ng Kings sina Marvin Bagley III ay may 19 points at 10 rebounds habang nagdagdag si De’Aaron Fox ng 11 points at 10 assists.