-- Advertisements --

CEBU CITY – Umabot na ngayon sa 1,841 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City dahil sa 129 na panibagong naitala kahapon.

Nakapagtala rin ang Cebu City Health Department ng isang namatay sa nasabing virus.

Umabot na rin sa 3,361 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nahawaan sa COVID-19 sa Cebu City dahil sa 167 na panibagong naidagdag na kaso at 34 na ang mga namatay.

Samantala, nakapagtala rin ng 48 na recoveries ang lungsod ng Mandaue kung saan nagmula ang lahat ng mga ito sa Mandaue City jail.

Sa kabuuan, nasa 95 na ang total recoveries sa lungsod.

Limang panibagong kaso naman ang naitala kaya umabot na sa 348 total cases sa Mandaue City.

Inanunsiyo naman si Talisay City Mayor Samsam Gullas na lima ang naidagdag na kaso sa kanilang lungsod dahilan sa umabot na sa 104 ang kabuuang bilang nito.