Nagpapatuloy ang ginagawang recovery operations sa 3 barkong lumubog at sumadsad sa may karagatan sa Bataan.
Sa ibinahaging updates ng Philippine Coast Guard, nagsagawA ang 4 na Coast Guad divers ng underwater inspection sa lumubog na Motor Tanker Terranova sa may Limay, Bataan
Dito, nag-spray ng dispersant ang Coast Guard personnel sa metallic oil sheen na na-trap sa loob ng unang layer ng spill boom, 400 meters mula sa ground zero.
Sa isa namang lumubog na barko na MTKR Jason Bradley, nagpatroliya ang Coast Guard personnel para suriin ang mga bakas ng tumagas na langis sa may Sitio Sibol sa Barangay Mt. View sa Mariveles, Bataan.
Nag-reposition na rin ang M/Tug Challenger ng oil spill boom sa bahagya ng napalutang na motor tanker para maiwasan ang banta ng pagtagas ng langis.
Samantala, sa MV Mirola 1 naman na sumadsad din sa may baybayin dagat ng Mariveles Bataan, nagsagawa ng on-site preparation at diving operations ang kinontratang salvor na Morning Star para i-assess ang sitwasyon sa naturang merchnat vessel.