Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na bumabalangkas na sila ng ng isang “learning recovery plan” na magsisilbing gabay sa mga paaralan para masolusyunan ang “learning gaps” na idinulot ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ginagawa nila ito ngayong mas marami pang mga paaralan ang nagbubukas na rin ng kanilang pintuan para sa physical learning.
Nais aniya nilang tiyakin na ang kanilang magiging interventions ay epektibo upang makahabol ang lahat at mapabilis din ang kanilang pagkatuto.
Kabilang sa mga proposed strategies ay ang pagpapalawig sa school calendar, pagpapalawak sa learning time ng mga mag-aaral, pagtatag ng learning support centers sa mga paaralan at community-based learning spaces, pagkakaroon ng summer remediation at intervention programs, at pag-hire ng karagdagang mga learning support aides.
Balak din ng DepEd na palakasin ang reading interventions, pagsasagawa ng regular home visits sa mga estudyante, pagpapatupad ng groups o buddy systems, at pag-develop mg appropriate assessment tasks at resources.
Kabilang din sa recovery plan na ito ang pagtugon sa “socio-emotional at behavioral recovery ng mga mag-aaral.”