-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Masayang ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng Pikit, Cotabato ang pagkabuo ng recovery plan sa mga residenteng apektado ng giyera sa bayan.

Sa tala ng LGU-Pikit, 9 na mga barangay sa Pikit ang apektado nito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng pagbuo sa recovery plan na matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado.

Nagpapasalamat naman ito sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno na naging katuwang sa pagbuo ng recovery plan at sa pagtitiwala at suporta nito para sa ikabubuti ng bayan ng Pikit.

Samantala, asahan na umano ang pagpapatupad nito sa mga susunod na araw.